Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 21,654 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 8:00, Martes ng umaga (October 20).
Ang nasabing bilang ng kaso ay na-validate na ng QCESU at district health offices.
Samantala, nasa 1,548 o katumbas ng pitong porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
19,498 o 90 porsyento ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 608 o tatlong porsyento ang nasawi.
Batay pa sa datos, nasa 19,761 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.
MOST READ
LATEST STORIES