#PepitoPH, napanatili ang lakas habang papalapit sa Aurora-Isabela area

By Angellic Jordan October 20, 2020 - 03:08 PM

Napanatili ang lakas ng Tropical Storm Pepito, ayon sa PAGASA.

Batay sa huling severe weather bulletin, huling namataan ang bagyo sa layong 195 kilometers Silangan ng Baler, Aurora dakong 1:00 ng hapon.

Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometers per hour.

Tinatahak ng bagyo ang direksyong pa-Kanluran Hilagang-Kanluran sa bilis na sa 25 kilometers per hour.

Dahil dito, nakataas ang mga tropical cyclone wind signal sa mga sumusunod na lugar:

Signal no. 2:
– La Union
– Pangasinan
– Ifugao
– Benguet
– Nueva Vizcaya
– Quirino
– Nueva Ecija
– Tarlac
– Aurora
– Southern portion ng Isabela (Palanan, San Mariano, Benito Soliven, Naguilian, Gamu, Burgos, San Manuel, Aurora, Cabatuan, Luna, Reina Mercedes, Cauayan City, Dinapigue, San Guillermo, Angadanan, Alicia, San Mateo, Ramon, San Isidro, Echague, San Agustin, Jones, Santiago City, Cordon)
– Southern portion ng Ilocos Sur (Sugpon, Alilem, Tagudin)
– Northern portion ng Zambales (Iba, Palauig, Masinloc, Candelaria, Santa Cruz, Botolan, Cabangan)
– Northern portion ng Quezon (General Nakar) kabilang ang Polillo Islands

Signal no. 1:
– Abra
– Kalinga
– Mountain Province
– Bulacan
– Pampanga
– Bataan
– Metro Manila
– Rizal
– Northern portion ng Camarines Norte (Paracale, Jose Panganiban, Capalonga, Vinzons)
– Catanduanes
– Nalalabing bahagi sa northern portion ng Quezon (Infanta, Real)
– Nalalabing parte ng Ilocos Sur
– Nalalabing parte ng Isabela
– Nalalabing parte ng Zambales

Ayon sa weather bureau, inaasahang magla-landfall ang bagyo sa coast ng Aurora-Isabela area sa pagitan ng 7:00 ng gabi at 11:00 ng gabi, October 20.

Posibleng lumakas pa ang bagyo at umabot sa severe tropical storm category sa Huwebes, October 22.

Sinabi rin ng PAGASA na maaaring lumabas ang bagyo ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Huwebes ng umaga.

Asahan ang katamtaman hanggang katamtamang buhos ng ulan sa Bicol Region, MIMAROPA, Quezon, Aurora, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Quirino, Isabela, mainland Cagayan, Pangasinan, at Benguet.

Mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan naman ang iiral sa Metro Manila at iba pang parte ng Luzon, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, at Bangsamoro.

Samantala, isa pang Tropical Depression ang binabantayan ng PAGASA sa labas ng bansa.

Huli itong namataan sa layong 1,735 kilometers East Northeast ng Extreme Northern Luzon bandang 10:00 ng umaga.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kilometers per hour.

Tinatahak ng bagyo ang direksyong pa-Hilaga Hilagang-Kanluran sa bilis na sa 15 kilometers per hour.

Gayunman, sinabi ng weather bureau na malabong pumasok ng PAR ang bagyo.

TAGS: breaking news, habagat, Inquirer News, isolated rainshowers, localized thunderstorm, Pagasa, PepitoPH, Radyo Inquirer news, rainfall advisory\], southwest monsoon, thunderstorm advisory, Tropical Depression Pepito, weather update October 20, breaking news, habagat, Inquirer News, isolated rainshowers, localized thunderstorm, Pagasa, PepitoPH, Radyo Inquirer news, rainfall advisory\], southwest monsoon, thunderstorm advisory, Tropical Depression Pepito, weather update October 20

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.