Yellow rainfall warning, nakataas sa Quezon

By Angellic Jordan October 20, 2020 - 02:15 PM

Patuloy na nakararanas ng malakas na pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon.

Sa abiso ng PAGASA bandang 2:00 ng hapon, ito ay bunsod pa rin ng Tropical Depression Pepito.

Nakataas ang yellow warning sa Quezon.

Samantala, mararanasan ang mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Metro Manila, Tarlac, Nueva Ecija, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Cavite, Laguna, Batangas at Rizal.

Iiral ang nasabing sama ng panahon sa susunod na tatlong oras.

Nagbabala ang weather bureau sa posibleng pagbaha sa mabababang bahagi at pagguho ng lupa sa mga mabubundok na bahagi ng mga nasabing lugar.

Inabisuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council na maging alerto at tutukan ang pinakahuling lagay ng panahon.

TAGS: breaking news, habagat, Inquirer News, Pagasa, PepitoPH, Radyo Inquirer news, rainfall advisory\], southwest monsoon, Tropical Depression Pepito, weather update October 20, breaking news, habagat, Inquirer News, Pagasa, PepitoPH, Radyo Inquirer news, rainfall advisory\], southwest monsoon, Tropical Depression Pepito, weather update October 20

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.