Kabataan pinababantayan ni Pangulong Duterte sa kanilang mga magulang para masigurong hindi malululong sa ilegal na droga
Umaapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak at tiyaking hindi malululong sa ilegal na droga.
Ayon sa pangulo, shared responsibility ito at hindi dapat na sisihin ang gobyerno kung maging adik ang mga kabataan.
“Before I forget, itong mga sa droga, balikan ko lang. I forgot this important advice that parents should have also — a shared responsibility. Dapat kayo rin ang masisi nito kung ang inyong anak pupunta na doon,” pahayag ng pangulo.
Dapat aniyang palaging inaalam ang kalagayan ng mga bata.
“Iyon ‘yan eh. Pinabayaan ninyo. Check on your children always. Supervise, check. Kasi diyan ninyo mapaalagaan ang kapakanan ng anak ninyo,” pahayag ng pangulo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.