Bagyong Pepito lumakas pa; Signal No. 2 nakataas na sa maraming lalawigan

By Dona Dominguez-Cargullo October 20, 2020 - 11:35 AM

Lumakas pa at isa nang ganap na tropical storm ang bagyong Pepito.

Sa inilabas na weather bulletin ng PAGASA alas 11:00 ng umaga ngayong Martes (Oct. 20) huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 295 kilometers East ng Baler, Aurora.

Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong northwest sa bilis na kilometers bawat oras.

Nakataas na ang tropical cyclone wind signal No. 2 sa susumunod na mga lugar:

La Union
Ifugao
Benguet
Nueva Vizcaya
Quirino
Pangasinan
Nueva Ecija
Tarlac
Aurora
southern portion of Isabela
southern portion of Ilocos Sur
northern portion of Zambales
northern portion of Quezon

Signal no. 1 namamn ang nakataas sa sumusunod na mga lugar:

Abra
Kalinga
Mountain Province
Bulacan
Pampanga
Bataan
Metro Manila
Rizal
northern portion of Camarines Norte
Catanduanes
rest of northern portion of Quezon
rest of Zambales

Ayon sa PAGASA, sa pagitan ng alas 7:00 at alas 11:00 ng gabi ay maaring tumama sa kalupaan ng Isabela-Aurora area ang bagyo.

Pagkatapos ay tatawirin nito ang Luzon landmass patungong West Philippine Sea.

Ngayong araw, ang tropical depression Pepito ay magdudulot ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa Bicol Region, Marinduque, Romblon, Quezon, Aurora, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Quirino, Isabela, mainland Cagayan, Pangasinan, at Benguet.

Mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na na pag-ulan naman ang mararanasan sa Metro Manila, nalalabing bahagi ng Luzon, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, at Bangsamoro.

Sa Huwebes, inaasahang lalabas na ng bansa ang bagyo.

 

 

 

 

TAGS: Inquirer News, News in the Philippines, Pagasa, PepitoPH, Radyo Inquirer, Severe Weather Bulletin, Tagalog breaking news, tagalog news website, tropical cyclone wind signal, weather, Inquirer News, News in the Philippines, Pagasa, PepitoPH, Radyo Inquirer, Severe Weather Bulletin, Tagalog breaking news, tagalog news website, tropical cyclone wind signal, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.