Red heavy rainfall warning itinaas ng PAGASA sa Camarines Norte
Nakataas na ang heavy rainfall warning sa Camarines Norte bunsod pa rin ng pag-ulan na nararanasan dahil sa bagyong Pepito.
Sa inilabas na rainfall warning ng PAGASA alas 11:00 ng umaga ngayong Martes, Oct. 20 red rainfall warning na ang nakataas sa lalawigan.
Nagbabala ng severe flooding ang PAGASA sa mga flood prone area at sa malalapit sa river channels.
Samantala, mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan naman ang nararanasan sa Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Masbate, Northern Samar, Oriental Mindoro, Romblon, at Marinduque.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.