Bilang ng nasawi sa COVID-19 sa buong mundo nadagdagan pa ng halos 4,000 pa

By Dona Dominguez-Cargullo October 20, 2020 - 11:01 AM

Umabot na sa 1,122,254 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa huling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER, pinakamaraming bilang ng nasawi sa US na umabot na sa 225,171.

Umabot naman na sa mahigit 154,000 ang bilang ng mga nasawi sa Brazil.

Ang death toll sa India ay mahigit 115,000 na.

Habang ang death toll sa Mexico ay umabot na sa mahigit 86,100.

Umabot naman na sa mahigit 30.3 million na ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.

Habang nasa mahigit 9.1 million pa ang aktibong kaso.

Narito ang bilang ng mga nasawi sa iba’t ibang ng mga bansa:

USA – 225,171
Brazil – 154,226
India – 115,235
Mexico – 86,167
UK – 43,726
Italy – 36,616
Spain – 33,992
Peru – 33,820
France – 33,623
Iran – 30,712

 

 

TAGS: Brazil, COVID-19 death, global death toll, US, Brazil, COVID-19 death, global death toll, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.