Bagong curfew hour sa Maynila paiiralin na

By Chona Yu October 20, 2020 - 10:32 AM

Inquirer photo

Sinimulan nang ipatupad ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang mas maiksing curfew hours.

Base sa Ordinance No. 8692 na nilagdaan ni Manila Mayor Isko Moreno, iiral ang bagong curfew ng alas dose ng hatinggabi hanggang alas kwatronng umaga hanggang sa November 30.

Simula December 1, iiral naman ang bagong curfew hour ng alas dose ng hatinggabi hanggang alas tres ng madaling araw.

Ayon kay Mayor Isko, niluwagan ang curfew bilang pagtalima na rin sa suhestyon ng Economic Development Cluster na luwagan na ang pagnenegosyo para buhaying muli ang ekonomiya ng bansa n nalugmok dahil sa pandemya sa COVID-19.

Gayunman, pinaalala pa rin ni Mayor Isko sa mga Manileño mag-ingat pa rin sapagkat nananatili ang banta ng COVID-19.

 

 

 

TAGS: Inquirer News, manila, Mayor Isko Moreno, new curfew, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Inquirer News, manila, Mayor Isko Moreno, new curfew, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.