Camarines Norte, nilindol

 

Mula sa Phivolcs

Isang magnitide 4.7 na lindol ang tumama sa karagatang sakop ng Paracale, sa lalawigan ng Camarines Norte dakong alas-1:51 ngayong hapon lamang.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 60 kilometro silangan ng Paracale sa lalim ng 31 kilometro.

Sa update ng ahensya, naitala ang Intensity II sa bayan ng Paracale, Labo sa Camarines Norte at Guinayangan sa Quezon.

Intensity I naman sa bayan ng Mercedes sa Camarines Norte.

Wala namang inilabas na tsunami warning ang ahensya kaugnay sa paggalaw ng lupa sa ilalim ng dagat.

Read more...