TD Pepito papalapit na sa Central Luzon; Signal No. 1 nakataas pa rin sa mahigit 20 lugar sa bansa kabilang ang Metro Manila

By Dona Dominguez-Cargullo October 20, 2020 - 08:54 AM

Maraming lugar pa rin ang nakasailalim sa tropical cyclone wind signal number 1 dahil sa tropical depression Pepito.

Alas 7:00 ng umaga ngayong Martes (Oct. 20) ay huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 375 kilometers East ng Infanta, Quezon o sa layong 385 kilometers East ng Baler, Aurora.

Nakataas pa rin ang Signal No. 1 sa susumunod na mga lugar:

• Isabela
• Quirino
• Nueva Vizcaya
• Abra
• Kalinga
• Mountain Province
• Ifugao
• Benguet
• Ilocos Sur
• La Union
• Pangasinan
• Aurora
• Nueva Ecija
• Tarlac
• Zambales
• Bulacan
• Pampanga
• Bataan
• Metro Manila
• Rizal
• northern portion of Quezon (General Nakar,Infanta,Real) including Polillo Islands
• extreme northern portion of Camarines Norte (Vinzons)
• Catanduanes

Ayon sa PAGASA, mamayang gabi ay tatama sa kalupaan ng Isabela-Aurora area ang bagyo.

Lalakas pa ito at magiging isang tropical storm bago mag-landfall.

Ngayong araw, ang tropical depression Pepito ay magdudulot ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa Bicol Region, Marinduque, Romblon, Quezon, Aurora, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Quirino, Isabela, mainland Cagayan, Pangasinan, at Benguet.

Mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas naLight to moderate with at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Metro Manila, Cordillera Administrative Region, MIMAROPA, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Bangsamoro, Northern Mindanao, at nalalabing bahagi ng Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, at MIMAROPA.

 

 

 

TAGS: Inquirer News, News in the Philippines, Pagasa, PepitoPH, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, Inquirer News, News in the Philippines, Pagasa, PepitoPH, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.