Kaso ng COVID-19 sa Mindanao tumataas

Nababahala na si National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa Mindanao Region.

Sa report ni Galvez kay Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi nito na may nangyayaring outbreak ngayon sa Sabah, Malaysia kung kaya kailangan na proteksyunan ang Tawi-Tawi.

Tumawag na rin aniya si Senador Migz Zubiri para magpatulong dahil tumataas na rin ang kaso ng COVID-19 sa Bukidnon.

Ayon kay Galvez, tumataas na rin ang kaso sa Ilagan City kung kaya isinailalim na ito sa Enhanced Community Quarantine.

Tumaas din aniya ang kaso ng COVID-19 sa Baguio City sa nakalipas na dalawang Linggo pati na sa La Union, Pangasinan, Laguna, Leyte at Negros Occidental.

Pupuntahan aniya ang mga nabanggit na lugar ng mga cabinet secretaries para matulungan.

Nagpapasalamat si Galvez sa local government units dahil humihingi na sila ng tulong ngayon kapag tumataas ang kaso ng COVID-19 at hindi gaya ng dati na itinatago ang numero.

 

 

 

 

Read more...