Amihan malapit nang umiral sa bansa ayon sa PAGASA
Malapit nang umiral sa bansa ang Hanging Amihan o ang Northeast Monsoon.
Sa panayam ng Radyo INQUIRER, sinabi ni PAGASA weather specialist Joey Figuracion, sa ngayon ay nasa transition period na ang bansa mula sa pag-iral ng Southwest Monsoon patungong Northeast Monsoon.
Sa ngayon ay wala na rin aniyang epekto ang Habagat saanmang panig ng bansa.
Binabantayan ngayon ng PAGASA ang cloud pattern partikular sa northern Luzon upang matukoy kung ganap na bang nakamit ang parameters para sa pagdedeklara ng Amihan season sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.