Maraming lugar sa Isabela at Aurora nakararanas na ng pag-ulan dulot ng TD Pepito

Nakararanas na ng pag-ulan sa maraming lugar sa Isabela at Aurora dahil sa tropical depression Pepito.

Sa inilabas na rainfall advisory ng PAGASA alas 6:30 ng umaga ngayong Martes, Oct. 20, sa susunod na mga oras, mahina hanggang sa katamtaman at kug minsan ay malakas na ulan ang mararanasan sa sumusunod na mga lugar:

AURORA:
– Dilasag
– Casiguran
– Dinalungan

ISABELA:
– San Mariano
– Dinapigue

Samantala, parehong lagay na din ng panahon ang nararanasan sa sumusunod na mga lugar:

AURORA:
– Dingalan
– Baler
– Maria Aurora
– Dipaculao
– San Luis

ISABELA:
– Palanan
– Aurora
– Cabatuan,
– San Mateo
– Ramon
– Alicia
– Santiago
– San Isidro
– Cordon

QUIRINO:
– Nagtipunan
– Maddela
– Diffun

NUEVA VIZCAYA:
– Alfonso Castaneda

Pinapayuhan ang mga residente na maging alerto sa posibleng pagbaha na maaring maidulot ng nararanasang pag-ulan.

 

 

 

Read more...