Walang biyahe ang LRT 1 at 2 mula Maundy Thursday hanggang Easter Sunday
Inanunsyo na ng Light Rail Transit Authority o LRTA ang train schedule sa Semana Santa.
Ayon sa LRTA, normal ang operasyon ng LRT line 1 (Baclaran, Paranaque hanggang Roosevelt, Quezon City) at Line 2 (Recto, Manila hanggang Santolan, Pasig City) sa Holy Monday hanggang Holy Wednesday o March 21 hanggang 23.
Pero pagsapit ng Maundy Thursday hanggang Easter Sunday o March 24 hanggang 27, walang train operation o walang tren ng LRT lines 1 at 2 ang bibiyahe.
Paliwanag ng LRTA, sasamantalahin nila ang Semana Santa upang magawa ang kanilang annual maintenance sa lahat ng LRT lines.
Sa kabila ng anunsyo para sa Holy Week ng LRTA, wala pang abiso ang Metro Rail Transit o MRT.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.