Sa 5AM weather bulletin ng PAGASA, ang bagyo ay huling namataan sa layong 440 kilometers East ng Infanta, Quezon.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 25 kilometers bawat oras sa direksyong west northwest.
Ayon sa PAGASA, mamayang gabi ay tatama sa kalupaan ng Isabela-Aurora area ang bagyo.
Lalakas pa ito at magiging isang tropical storm bago mag-landfall.
Nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 sa sumusunod na mga lugar:
– Metro Manila
– Isabela
– Quirino
– Nueva Vizcaya
– Abra
– Kalinga
– Mountain Province
– Ifugao
– Benguet
– Ilocos Sur
– La Union
– Pangasinan
– Aurora
– Nueva Ecija
– Tarlac
– Zambales
– Bulacan
– Pampanga
– Bataan
– Rizal
– northern portion ng Quezon (General Nakar,Infanta,Real)
– Polillo Islands
– extreme northern portion ng Camarines Norte (Vinzons)
– Catanduanes
Ngayong araw, ang tropical depression Pepito ay magdudulot ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa Bicol Region, Marinduque, Romblon, Quezon, Aurora, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Quirino, Isabela, mainland Cagayan, Pangasinan, at Benguet.
Mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas naLight to moderate with at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Metro Manila, Cordillera Administrative Region, MIMAROPA, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Bangsamoro, Northern Mindanao, at nalalabing bahagi ng Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, at MIMAROPA.