Field personnel, bibigyan ng heat stroke break simula March 25
Sisimulan nang ipatupad ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA sa March 25 ang ‘heat stroke break’ nito para mga personnel na nasa mga kalsada.
Ayon sa MMDA, gaya noong mga nakalipas na taon, paiiralin ng ahensya ang heat stroke break na layong protektahan ang kalusugan ng mga naka-deploy na field personnel sa mga lansangan.
Paiiralain ang heat stroke break mula 11AM hanggang 3PM, depende sa duty o schedule ng field personnel.
Kabilang sa masasakop nito ay ang mga traffic constable at street sweepers na pahihintulutang makapagpahinga sa loob ng tatlumpung minuto.
Ibig sabihin, pwede silang umalis sa kanilang pwesto at magtungo pansamantala sa malilim na lugar kung saan maaaring magpahinga.
Sakali namang tumaas sa 40 degrees celcius ang heat index sa Kalakhang Maynila, pagbibigyan ang mga field personnel ng tig-labing limang minutong karagdagang break.
Tiniyak ng MMDA na hindi maka-apekto sa operasyon ang heat stroke break dahil magiging rotational ang pagpapatupad nito.
Tatagal ng hanggang May 31 ang heat stroke break.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.