Mga kumpirmadong COVID-19 cases sa Baguio, pumalo na sa higit 1,700
Umabot sa 65 residente sa Baguio City ang nagpositibo pa sa COVID-19.
Batay sa Baguio City COVID-19 monitoring hanggang 5:00, Lunes ng hapon (October 19), umabot na sa 1,704 ang kabuuang bilang ng kaso ng nakakahawang sakit sa lugar.
Sa nasabing bilang, 589 ang aktibo pang kaso.
21 naman ang bagong gumaling sa COVID-19.
Bunsod nito, 1,094 na ang total recoveries sa Baguio City habang umakyat sa 21 ang death toll.
Samantala, sa suspected cases, nasa 4,322 ang aktibo habang 3,102 ang naka-recover.
Patuloy namang nakasailalim sa 14-day quarantine ang 13,513 na residente habang 19,178 ang nakatapos na.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.