Kaso ng COVID-19 sa Western Visayas, 14,791 na
Nagpositibo ang 185 pang pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.
Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang October 19, umakyat na sa 14,791 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
3,018 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.
Sinabi nito na 76.01 porsyento ng mga kaso ng COVID-19 ay asymptomatic o walang nararanasang sintomas.
280 naman ang gumaling pa kaya 11,424 na ang total recoveries sa Western Visayas.
Umabot naman sa 349 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.