Kaso ng COVID-19 sa Mandaluyong City, 5,312 na
Napaulat ang 28 pang nagpositibong residente ng Mandaluyong City sa COVID-19.
Sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 4:14, Lunes ng hapon (October 19), 5,312 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.
Sa nasabing bilang, 379 ang aktibong kaso.
Apat ang itinuturing na probable cases habang 1,556 ang suspected cases kung saan 19,786 ang cleared na.
30 naman ang mga bagong gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 4,763 na ang total recoveries ng COVID-19 sa lungsod.
Samantala, 170 pa rin ang mga residenteng pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.