Sec. Villar, hindi kailangang mangurakot – Pangulong Duterte

By Chona Yu October 19, 2020 - 10:08 PM

Photo courtesy: Sec. Mark Villar/Facebook

Hindi kailangang mangurakot ni Public Works Secretary Mark Villar.

Pahayag ito ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos sabihin noong nakaraang linggo na talamak pa rin ang korupsyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon kay Pangulong Duterte, mayaman ang pamilya Villar.

Ang tanging problema ayon sa Pangulo, ang mga project engineer na malakas mangurakot.

“Karamihan diyan sa DPWH, mga project engineers, diyan sa baba ang…si Villar mayaman na yan. Sec. Villar maraming pera hindi na kailangang mangurakot. Ang problema sa baba malakas pa rin hanggang ngayon. Yung mga projects sa baba yun ang laro diyan,” pahayag ng Pangulo.

Dahil dito, sinabi ng Pangulo na kailangang paigtingin ang structure para ma-improve ang integrity ng mga proyekto.

Ayon aa Pangulo, wala siyang patawad pagdating sa korupsyon.

TAGS: DPWH corruption issue, DPWH issues, Inquirer News, President Duterte on DPWH corruption issue, President Duterte public address October 19, Radyo Inquirer news, Sec. Mark Villar, DPWH corruption issue, DPWH issues, Inquirer News, President Duterte on DPWH corruption issue, President Duterte public address October 19, Radyo Inquirer news, Sec. Mark Villar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.