513 katao, nahuling lumabag sa mga ordinansa sa Navotas City

By Angellic Jordan October 19, 2020 - 09:29 PM

Umabot sa 513 ang nahuling lumabag sa ipinatutupad na safety measures at iba’t ibang ordinansa sa Navotas City sa magdamag.

Batay ito sa ulat ng Navotas City police, Task Force Disiplina at mga barangay.

Nahuli ang nasabing bilang ng violators mula 5:00, Linggo ng hapon (October 18), hanggang 5:00, Lunes ng hapon (October 19).

Pinakamaraming nahuling lumabag sa curfew na umabot sa 268 kung saan 125 ang adult habang 143 ang menor de edad.

Sumunod dito ang mga hindi nagsuot o hindi tama ang pagkakasuot ng face mask na umabot sa 221.

Wala namang nahuling hindi sumunod sa isa hanggang dalawang metrong physical distancing.

Samantala, lima ang nahuling walang suot na damit pang-itaas habang walo sa iba pang ordinansa.

TAGS: city ordinance violator, COVID-19 response, curfew violator, Inquirer News, Navotas City Police, Radyo Inquirer news, social distancing violator, city ordinance violator, COVID-19 response, curfew violator, Inquirer News, Navotas City Police, Radyo Inquirer news, social distancing violator

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.