Batay sa huling severe weather bulletin, huling namataan ang bagyo sa layong 410 kilometers Silangan ng Virac, Catanduanes dakong 4:00 ng hapon.
Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers per hour.
Tinatahak ng bagyo ang direksyong pa-Kanluran Hilagang-Kanluran sa bilis na sa 20 kilometers per hour.
Dahil dito, nakataas ang tropical cyclone wind signal no, 1 sa mga sumusunod na lugar:
– Isabela
– Aurora
– Quirino
– Eastern portion ng Kalinga (Pinukpuk, Rizal, Tabuk City, Tanudan)
– Eastern portion ng Mountain Province (Paracelis, Natonin, Barlig)
– Ifugao
– Nueva Vizcaya
– Eastern portion ng Nueva Ecija (Carranglan, Pantabangan, San Jose City, Lupao, Llanera, Rizal, Bongabon, Laur, Gabaldon, General Mamerto Natividad, Palayan City, General Tinio, Cabanatuan City, Santa Rosa, Muñoz City, Talavera, Santo Domingo, Peñaranda, Gapan City, San Leonardo)
– Northern portion ng Quezon (General Nakar, Infanta, Real) including Polillo Islands.
Ayon sa weather bureau, inaasahang magla-landfall ang bagyo sa eastern coast ng Northern-Central Luzon area sa pagitan ng Martes ng gabi (October 20) at Miyerkules ng madaling-araw (October 21).
Posibleng lumakas pa ang bagyo at maging tropical storm bago tumama sa kalupaan.
Hanggang Martes ng umaga, October 20, asahan ang mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na ulan sa Quezon, Bicol Region, Eastern at Central Visayas, at Mindanao.
Dagdag ng PAGASA, bahagyang pinalakas ng bagyo ang northeasterly surface windflow dahilan para makaapekto sa Batanes, Babuyan Islands, at sa coastal at mountainous areas ng northern Ilocos Norte, Apayao, Cagayan, Isabela, Aurora, Quezon, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, at Northern Samar.