Tatlo pang Filipino abroad, nagpositibo sa COVID-19
Nasa tatlo ang bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang October 19, umakyat na sa 11,152 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 81 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 3,139 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Dalawa naman ang bagong gumaling kung kaya 7,201 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Wala muling bagong napaulat na nasawi.
Ito na ang ika-limang sunod na araw na walang pumanaw na Filioino abroad.
Dahil dito, nasa 812 pa rin ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 7,364 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 1,215 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 814 naman ang kaso sa Americas at 1,759 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.