Tatlong siyudad sa Pilipinas pasok sa sa finals ng Earth Hour Challenge
Pasok sa finals ng Earth Hour City Challenge (EHCC), ang tatlong siyudad sa Pilipinas ayon sa World Wide Fund for Nature (WWF).
Ito ang San Carlos City sa Negros Occidental, Santa Rosa City sa Laguna at Makati City kung saan nasa 124 mga bansa ang lumahok sa EHCC.
Dagdag pa ng WWF isa sa mga lungsod na ito ang may pagkakataon na tangahalin na Global Earth Hour Capital.
Maaring sundan nito ang yapak ng mga siyudad ng Vancouver sa Canada, Cape Town sa South Africa at Seoul sa South Korea na pawang nanalo na sa mga nakaraang taon.
Inulunsad ng WFF ang EHCC taong 2011 kung saan ang kanilang pangunahing layunin ay ang pagpapalanap ang papakaroon ng iba’t-ibang sustainable practices para sa pagkakaroon ng isang low-carbon na hinaharap.
Matatandang noong nakaraang taon na pitong lungsod dito sa bansa ang lumahok sa EHCC, ito ang Cagayan de Oro, Makati, Naga, Parañaque, San Carlos, Santa Rosa at Quezon City.
Ang Earth Hour ay ang simpleng pagpatay ng mga ialw sa loob ng 60 minuto na layuning maiparating dapat magkaroon na ng aksyon laban sa climate change, inaasahan na makikilahok ang iba’t-ibang iconic landmarks sa mundo.
Ang Earth Hour ay magsisimula mula 8:30 pm hanggang 9:30 pm sa March 19 kung saan sa ang main event sa Pilipinas ay gaganapin sa Quezon City Memorial Circle.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.