BREAKING: Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, umabot na sa 359,169
Lagpas 2,600 ang panibagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (October 19), umabot na sa 359,169 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 42,191 ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 2,638 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
83.1 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 11.3 porsyento ang asymptomatic; 2.1 porsyento ang severe habang 3.6 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 26 ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 6,675 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 226 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 310,303 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.