Senado, namahagi ng health packs sa Pasay City frontliners

Sa paggunita ng ika-104 anibersaryo ng Senado sa taong 2020, ang Senate Spouses Foundation Inc. ay namahagi ng health packs sa mga medical and health frontliners sa Pasay City.

Kabilang sa mga nabiyayaan ang frontliners sa Pasay City General Hospital, Pasay City Health Office at Philcare Manpower Services.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na napili ang Pasay City dahil ang lungsod ang nagsisilbing tahanan ng Senado ng marami ng taon.

“May God continue to guide the Senate of the Philippines for a better and stronger Philippines,” sabi ni Sotto.

Samantala, ang actress/singer na si Ciara Sotto ang kumatawan sa kanyang ina na si Helen Gamboa, pangulo ng Senate Spouses Foundation Inc., sa pamamahagi ng health packs.

Read more...