Aktibong kaso ng COVID-19 sa Bogo City, Cebu nasa tatlo na lang
By Angellic Jordan October 19, 2020 - 02:25 PM
Walang bagong nadagdag na kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa Bogo City, Cebu.
Sa datos ng Bogo City government hanggang October 19, nasa tatlo na lamang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit sa lugar.
Mayroon namang naitalang bagong apat na recoveries.
Dahil dito, umabot na sa 147 ang bilang ng mga residenteng gumaling sa COVID-19 sa Bogo City.
Nasa dalawa naman ang COVID-19 related deaths sa naturang lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.