Mga pamilyang naayudahan sa 2nd tranche ng SAP, nadagdagan pa
Tuluy-tuloy pa rin ang pamimigay ng tulong-pinansiyal sa ilalim ng 2nd tranche ng Social Amelioration Program (SAP).
Umabot na sa kabuuang 13,982,340 pamilyang benepisyaryo na ang nakatanggap ng cash aid.
Ito ay batay sa datos ng Department of Social Welfare and Development hanggang 8:00, Linggo ng gabi (October 18).
Dahil dito, tinatayang P83.5 bilyon ang nailabas ng DSWD para sa 2nd tranche ng SAP.
Sinabi pa ng kagawaran na tuloy pa rin ang pamamahagi ng emergency subsidy sa mga benepisyaryo ng SAP, kabilang ang mga “waitlisted” o karagdagang mga pamilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.