Presyo ng produktong petrolyo, tataas sa linggong ito

By Isa Avendaño-Umali March 13, 2016 - 08:33 AM

PHILIPPINES-CHINA-DIPLOMACY-MARITIME-OILNakaamba ang isang ‘bigtime oil price hike’ anumang araw sa linggong ito.

Batay sa sources mula sa oil industry, nasa P1.45 hanggang P1.65 ang taas-presyo sa kada litro ng gasolina.

Tinatayang nasa P1.20 hanggang P1.35 naman ang price increase sa bawat litro ng diesel, habang P1.00 hanggang P1.15 ang dagdag sa kada litro ng kerosene.

Sa ngayon, wala pang kumpanya ng langis ang nag-aanunsyo ng price adjustments.

Matatandaan na noong March 8, nagpatupad ng oil price hike ang malalaking kumpanya ng langis, 80 centavos ang taas-presyo sa kada litro ng gasolina, 65 centavos sa bawat litro ng diesel at 70 centavos sa kada litro ng kerosene.

 

TAGS: oil price hike, oil price hike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.