Ilang lalawigan sa Luzon, makararanas ng pag-ulan

By Angellic Jordan October 19, 2020 - 01:26 PM

Asahang makararanas ng pag-ulan ang bahagi ng Calabarzon.

Batay sa thunderstorm advisory dakong 12:35 ng tanghali, katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin ang iiral sa Batangas.

Maaapektuhan din ang Quezon partikular sa Mauban at Sampaloc, Laguna sa Cavinti at Majayjay.

Ayon sa weather bureau, iiral ang nasabing lagay ng panahon sa susunod na dalawang oras.

Inabisuhan naman ang publiko na mag-ingat at antabayan ang susunod na update ukol sa lagay ng panahon.

TAGS: breaking news, Inquirer News, pagasa, Radyo Inquirer news, rainfall advisory\], weather update October 19, breaking news, Inquirer News, pagasa, Radyo Inquirer news, rainfall advisory\], weather update October 19

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.