Ipinasang P4.5T 2021 national budget ng Kamara kapareho ng bersyon noong si Rep. Cayetano pa ang Speaker

By Erwin Aguilon October 19, 2020 - 11:13 AM

Iisa lamang ang bersyon ng budget na ipinasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa tinalakay noon pang House Speaker si Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano.

Ayon kay House Speaker Lord Allan Velasco, walang ginalaw ang kanyang liderato sa nauna ng mga alokasyon bago niya pinalitan sa puwesto si Cayetano.

Kaya hindi anya masasabi na nagkaroon siya ng pinamalaking pondo sa susunod na taon.

Paliwanag ni Velasco, nauna na niyang sinabi ang nais nito na ipasa ang budget kung ano ang nakasulat sa National Expenditure Program na isinumite sa Kongreso.

Iginiit nito, wala ring nakasingit na pork barrel sa ipinasang P4.5T 2021 national budget.

Dadaan naman anya ito sa Senado at bicameral conference committee kaya mapapatunayang legal ito at salig sa 1987 Constitution.

 

 

TAGS: Budget, budget hearing, house session, Inquirer News, national budget, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Budget, budget hearing, house session, Inquirer News, national budget, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.