Mga private broadcast network hinikayat magpalabas ng mga educational show

By Erwin Aguilon October 19, 2020 - 11:07 AM

Photo from Congress website

Pinagpapalabas ni House Assistant Majority Leader at ACT-CIS Rep. Nina Taduran ang lahat ng mga private media networks na magpalabas ng mga educational show.

Ayon kay Taduran, batay sa Broadcast Code of 2007 ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) ay obligasyon ng mga media members na lumikha at magpalabas ng mga programang pambata at educational programs.

Sa ilalim nito ay dapat 15% ng mga programa sa telebisyon at radyo ay para sa mga bata gayundin ay responsibilidad ng mga tv at radio stations na isulong ang mental, physical, social at emotional development ng mga kabataan sa pamamagitan ng kanilang mga palatuntunan.

Partikular na umaapela si Taduran sa lahat ng radio at television stations na magpalabas muli ng mga programang pambata na makakatulong sa pagpapalawak ng bokabularyo, kaalaman, at pagsusulong ng kagandahang asal.

Naniniwala ang lady solon na ito ang paraan upang makatulong ang mga media networks sa distance learning ng pamahalaan.

Hinimok din nito ang mga media networks na makipagtulungan sa Department of Education (DEPED) sa posibleng produksyon ng mga bagong educational shows na makakatulong sa mga mag-aaral.

 

 

TAGS: ACT-CIS, deped, Inquirer News, News in the Philippines, Nina Taduran, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, ACT-CIS, deped, Inquirer News, News in the Philippines, Nina Taduran, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.