Naghain ng panukala si Senator Nancy Binay na layon mabigyan proteksyon ang mga environment officers, partikular na ang mga forest enforcers sa bansa.
Hiniling ni Binay sa kanyang Senate Bill No. 1878 ang pagbuo ng Environmental Protection and Enforcement Bureau, sa ilalim ng DENR.
Bunga ito ng hirit ni Environmental Sec. Roy Cimatu na sa pamamagitan ng lehislatura ay mabuo ang bagong kawanihan para lubos na matutukan ang pangangalaga sa kalikasan.
Ayon kay Cimatu dumadami ang mga kaso ng karahasan na dinaranas ng kanilang environment officers lalo na ang mga nangangalaga sa mga kagubatan.
Ibinahagi ni Binay ang ulat ng Global Witness, isang international environmental watchdog, na 46 environment defenders ang namatay sa bansa noong nakaraang taon.
Bago pa ito, noong taon 2018 kinilala ang Pilipinas bilang ‘most dangerous country’ para sa environmental defenders.