Santa Catalina, Ilocos Sur niyanig ng magnitude 3.2 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang lalawigan ng Ilocos Sur.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 17 kilometers northwest ng bayan ng Santa Catalina, alas-10:06 umaga ng Lunes (October 19).

May lalim na 18 kilometer at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

 

 

Read more...