Biyahe ng LRT-1 mahigit 30-minutong naantala

Naantala ng mahigit 30-minuto ang biyahe ng LRT line 1.

Alas 9:24 ng umaga ngayong Lunes (Oct. 19) nagpatupad ng 15 kilometer per hour na speed restriction sa Balintawak Station.
Ayon sa abiso, mayroong depektibong tren sa naturang istasyon.

Alas 9:31 ng umaga sinabi ng LRT-1 na nagpatupad na ng stop for safety mula Balintawak to Yamaha Monumento Station (NEP Area).

Naging limitado ang operasyon ng mga tren at ang biyahe ay mula Baclaran to Yamaha Monumento Station lamang at vice versa.

Alas 9:57 naman ng umaga nang maibalik sa normal ang operasyon ng mga tren.

 

 

 

Read more...