8 colorum na sasakyan na-impound matapos mahuling bumibiyahe sa Regalado Ave. sa QC
Walong (8) colorum na mga sasakyan ang impounded at pito (7) naman ang naisyuhan ng tiket dahil sa iba’t ibang traffic violations sa isinagawang special operations ng Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) Lunes (Oct. 19) ng umaga bahagi ng SM Fairview, Regalado Avenue sa Quezon City.
Layunin ng special operations team, na alamin kung nasusunod ang binuong 7 Transportation Commandments sa mga pampublikong sasakyan.
Ang mga colorum na sasakyan ay dinala sa impounding area kabilang ang pitong (7) illegal shuttle service at isang (1) pribadong sasakyan.
Pito (7) naman ang nahuli at naisyuhan ng Temporary Operator’s Permit (TOP) matapos makitaan ng mga violations sa pagmamaneho ng sasakyan, kabilang dito ang kabiguang gumamit ng seatbelt at standard helmet sa motorsiklo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.