Global cases ng COVID-19 mahigit 40 million na
Umabot na sa mahigit 40 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Lunes (Oct. 19) ay 40,259,857 na ang global cases ng COVID-19.
Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 320,000 na bagong kaso sa magdamag.
Ang US ay nakapagtala ng mahigit 44,000 na dagdag na mga kaso.
Mahigit 55,000 naman ang bagong kaso na naitala sa India.
Ang Brazil ay nakapagtala lang ng dagdag na 10,000 na mga kaso.
Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:
USA – 8,387,046
India – 7,547,762
Brazil – 5,235,344
Russia – 1,399,334
Argentina – 989,680
Spain – 982,723
Colombia – 959,572
France – 897,034
Peru – 865,549
Mexico – 847,108
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.