Jose Abad Santos, Davao Occidental niyanig ng magnitude 3.5 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa PHIVOLCS, naitala ang pagyanig sa layong 135 kilometers southeast ng Jose Abad Santos alas 8:26 ng umaga ngayong Lunes, Oct. 19.

May lalim na 33 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Wala namang naitalang intensities bunsod ng pagyanig.

Hindi rin ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

 

 

 

Read more...