Bahagi ng Bacoor City at Imus City nakararanas ng water service interruption

May nararanasang water service interruption sa ilang bahagi ng Bacoor City at Imus City sa Cavite.

Ayon sa abiso ng Maynilad ang nararanasang service interruption ay tatagal hanggang alas 11:00 ng gabi ngayong araw, Oct. 19.

Low pressure hanggang sa tuluyang pagkawala ng tubig ang nararanasan sa sumusunod na mga lugar:

Bacoor City:
– Bayanan
– Ligas III
– Mambog I to IV
– Molino I to III, VI
– San Nicolas I to III

Imus City
– Buhay na Tubig
– Palico IV

Ang nararanasang serivce interruption ay bunsod ng maintenance activity sa Bacoor Pumping Station.

 

 

Read more...