Mga gumaling sa COVID-19 sa Baguio, mahigit 1,000 na

By Dona Dominguez-Cargullo October 19, 2020 - 07:58 AM

Umabot sa 36 na residente pa sa Baguio City ang nagpositibo pa sa COVID-19.

Batay sa Baguio City COVID-19 monitoring hanggang 5:00, Linggo ng hapon (October 18), umabot na sa 1,639 ang kabuuang bilang ng kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 546 ang aktibo pang kaso.

9 naman ang bagong gumaling sa COVID-19.

Bunsod nito, 1,073 na ang total recoveries sa Baguio City habang 17 pa rin ang death toll.

Samantala, sa suspected cases, nasa 4,320 ang aktibo habang 3,105 ang naka-recover na.

Patuloy namang nakasailalim sa 14-day quarantine ang 13,245 na residente habang 19,171 ang nakatapos na.

 

 

 

TAGS: baguio city, covid cases, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, baguio city, covid cases, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.