26 pang residente sa Eastern Visayas, tinamaan ng COVID-19
Nadagdagan ng 26 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.
Naitala ang mga bagong kaso mula sa 382 laboratory samples na sinuri ng EVRCTC at DWHVL.
Sa datos ng Department of Health (DOH) – Eastern Visayas hanggang 7:00, Linggo ng gabi (October 18), 5,817 na ang confirmed COVID-19 cases sa rehiyon.
Sa nasabing bilang, 823 o 14.15 porsyento ang aktibong kaso.
Umabot naman na sa 4,940 o 84.92 porsyento ang total recoveries sa Eastern Visayas.
Nasa 54 naman ang mga residenteng nasawi o 0.93 porsyento bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.