62 pang kaso ng COVID-19, nadagdag sa Central Visayas

Nadagdagan pa ng 62 ang mga kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.

Batay sa inilabas na datos ng DOH Central Visayas hanggang October 18 ay 21,805 na ang confirmed COVID-19 cases sa nasabing rehiyon.

Sa naturang bilang, 1,045 ang aktibo pang kaso.

Umabot sa 3 ang panibagong gumaling kung kaya 19,449 na ang COVID-19 recoveries.

Wala namang bagong napaulat na nasawi sa nasabing rehiyon.

Nananatili sa 1,311 ang bilang ng mga pumanaw sa Central Visayas bunsod ng COVID-19.

 

 

 

 

Read more...