Ang Tropical Depression na pinangalanang “Pepito” ay huling namataan sa layong 845 km East of Virac, Catanduanes.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong West Northwest sa bilis na 20 kilometers bawat oras.
Ayon sa PAGASA, bukas ay inaasahang dadaan sa Northern o Central Luzon ang bagyo.
Posible itong tumama sa eastern coast ng Northern o Central Luzon bukas ng gabi o sa Miyerkules ng umaga.
Ngayong araw, makararanas ng mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na ulan ang Quezon, Bicol Region, Eastern Visayas, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, at Davao Oriental.
Sa Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng Luzon, bahagyang maulap na papawirin lamang ang iiral na mayroong isolated na pag-ulan.