PCR Specimen ng mga umuuwing OFWs sa government laboratories muna ipoproseso – OWWA

By Dona Dominguez-Cargullo October 19, 2020 - 05:47 AM

Sa mga government laboratory muna ipoproseso ang PCR specimen ng mga dumarating na Overseas Filipino Workers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Pahayag ito ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) kasunod ng usapin ng hindi pagbabayad ng PhilHealth sa Philipine Red Cross (PRC) sa pagproseso nito sa PCR testing ng mga umuuwing Pinoy.

Ayon kay OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, inatasan na ng IATF-NTF ang mga government laboratory na iproseso ang PCR specimen ng mga OFWs.

Kasabay nito, nanawagan ang OWWA sa mga returning overseas Filipino workers na magpa-rehistro sa quarantinecertificate.com ng Bureau of Quarantine.

Ito kasi ang pansamantalang gagamitin para sa pagre-release ng resulta ng PCR test.

Humingi ng pang-unawa ang OWWA sa mga umuuwing Pinoy.

Tiniyak din nitong patuloy na babantayan at ibibigay ang pangangailangan ng mga Pinoy habang nasa kanilang hotel quarantine facilities at naghihintay ng resulta.

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, OWWA, PCR specimen, Radyo Inquirer, returning OFWs, State of Emergency, swab test, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, OWWA, PCR specimen, Radyo Inquirer, returning OFWs, State of Emergency, swab test, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.