Bilang ng COVID-19 recoveries sa Laguna nasa 12,315 na

By Mary Rose Cabrales October 19, 2020 - 04:38 AM

 


Tumaas pa ang bilang ng coronavirus disease o COVID-19 recoveries sa lalawigan ng Laguna.

Base sa huling datos ng Laguna PDRRMO at PHO (Linggo, October 18, 12NN), 12,315 ang naitalang bilang ng mga nakarecover o gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan.

Ang bilang naman ng COVID-19 related deaths sa lalawigan ay nasa 262 na.

Ang bilang naman ng active cases ay nasa 1,533.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lalawigan ay umabot na sa 14,110.

Samantala, nasa 6,294 naman ang bilang ng suspected cases at 79 ang probable cases.

TAGS: coronavirus, COVID-19, Health, laguna, coronavirus, COVID-19, Health, laguna

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.