Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 8,625

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (Sabado, October 17), nadagdagan ng 63 ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kaya umabot na ito sa 8,625.

Sa nasabing bilang 812 ang active cases.

Ang bilang naman ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan ay 336 kung saan nakapagtala ng 4 na bagong nasawi.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 9,773 na.

Read more...