Bilang ng active cases sa Mandaluyong City nadagdagan pa

By Mary Rose Cabrales October 19, 2020 - 04:28 AM

Nadagdagan pa ang bilang ng coronavirus disease o COVID-19 active cases sa lungsod ng Mandaluyong.

Sa datos ng Mandaluyong City Health Department (Linggo, October 18, 4:05 PM), umabot na sa 381 ang bilang ng active cases sa lungsod kung saan nakapagtala ng 9 bagong kaso.

Ang bilang naman ng mga gumaling na o naka-recover na ay 4,733 kung saan 18 ang bagong naitala.

Ang bilang naman ng nasawi sa virus ay nanatili sa 170.

Umabot naman na sa 5,284 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Ang bilang ng probable ay 3 habang 1,527 naman ang suspected cases.

TAGS: coronavirus, COVID-19, Health, Mandaluyong City, coronavirus, COVID-19, Health, Mandaluyong City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.