Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 47,800

By Mary Rose Cabralres October 19, 2020 - 04:30 AM

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Linggo (October 18, 3:00 PM) nakapagtala ng 183 na bagong kaso kaya pumalo na sa 47,800 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 12,703
Laguna – 14,034
Batangas – 8,486
Rizal – 9,562
Quezon – 3,015

Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 13,694.

Nasa 32,984 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 563 na bagong recovery.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 7,966
Laguna – 11,038
Batangas – 6,351
Rizal – 5,894
Quezon – 1,735

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 7 kaya umabot na sa 1,122 ang bilang.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 286
Laguna – 233
Batangas – 225
Rizal – 288
Quezon – 90

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay

TAGS: Batangas, calabarzon, cavite, coronavirus, COVID-19, DOH CHD, laguna, Quezon, Rizal, Batangas, calabarzon, cavite, coronavirus, COVID-19, DOH CHD, laguna, Quezon, Rizal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.