15 pang kaso ng COVID-19, naitala sa Navotas City

Nasa 15 ang bilang ng mga nagpositibo pa sa COVID-19 sa Navotas City.

Sa huling datos hanggang 6:00, Linggo ng gabi (October 18), umakyat na sa kabuuang 5,051 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 110 ang aktibong kaso o katumbas ng 2.1 porsyento.

Tatlo naman ang gumaling pang residente sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 4,797 na ang total recoveries o 95.0 porsyento ng kabuuang naitalang kaso sa lungsod.

Nanatili muli sa 144 ang pumanaw o 2.9 porsyento.

Read more...