Higit 100,000 tablet devices, naipamahagi sa public school students sa Maynila

Aabot sa 108,008 na tablet devices ang naipamahagi na ng lokal na pamahalaan ng Maynila sa mga public school student.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, aabot naman sa 11,000 na piraso ng laptop ang naipamigay sa mga guro.

Ayon kay Mayor Isko, tulong ito ng lokal na pamahalaan para sa distance learning na ipinatutupad ng Department of Education (DepEd) dahil sa pandemya sa COVID-19.

Nabatid na aabot sa mahigit P1 bilyong pondo ang inilaan ng lokal na pamahalaan para sa naturang proyekto.

Ayon kay Mayor Isko, bukod sa tablet devices at laptops, naipamahagi rin ang pocket WiFi devices sa mga guro at SIM Cards na may 10 gigabyte monthly data para sa mga estudyante upang matiyak ang kanilang internet connection pagsapit ng pasukan.

Samantala, nakatakda namang maibigay ang huling batch ng mga tablet devices sa darating na linggo habang naghanda ng karagdagang 27,200 tablets ang Pamahalaang Lungsod oras na mangailangan pa ang mga mag-aaral sa Maynila.

Read more...